Ang aking naiisip dati sa mga Ingglisero.
Ngayon ako man ay isa na ring Atenista. Ngayong araw ay ang araw na nag mamarka ng ikatlong linggo ko rito sa Ateneo. Hindi pa ako nakakauwi sa amin kahit ilang oras lang naman ang biyahe. Sa aking tatlong linggo rito, napansin kong mahilig ngang mag Inggles ang mga tao rito. Inggles ang wika nila sa pakikipagusap. Ako ma'y Inggles na rin ang ginagamit sa pananalita.
Ngunit, bakit nga ba? Bakit nga ba mga Ingglisero ang marami sa aking nakakausap? Dahil ba'y sila nga'y sosyal at elitista?
Sa aking palagay, hindi.
Siguro mayroong mga sosyal nga at mayayaman pero hindi lahat ng nag i-Inggles ay ganoon. Paano ko nasabi?
Dito sa Ateneo naksalamuha ko ang mga tao na nanggaling sa iba't ibang lalawagin at pati na rin ibang bansa. Mayroong galing dito sa Luzon, mayroong galing Visayas o Mindanao, at mayroon pa ngang galing Gitnang Silangan.
Ang isa kong nakilala ay galing Davao. Inggles ang aming salita kapag kami ay nag-uusap. Bakit hindi na lang kami mag Filipino lalo p'at nasa Pilipinas naman kami?
Ang simple pa lang dahilan ay mas madaling magkaintindihan kapag Inggles ang gamit. Paano? Ako ay lumaki at nabuhay sa lugar na Tagalog ang aming salita. Siya nama'y nanggaling sa lugar na Bisaya ang kanilang salita. Hindi siya sanay sa Tagalog, ngunit sanay siya sa Inggles. Inggles ang aming salitang ginagamit dahil dito namin mas nauunawaan ang isa't isa. Hindi dahil sosyal kami. Hindi dahil elitista kami. Hindi dahil conyo kami. Nag i-Inggles kami dahil dito kami nagkakaintindihan.
Aking aaminin, dati nga'y pinagisipan ko nga na pa-sosyal ang mga gumagamit ng Inggles sa kanilang pag-uusap. Ako pala'y nagkamali. Sa dinamirami ng tao sa Ateneo at sa dinamirami ng aming mga pinanggalingan, mas madali lang talagang mag Inggles.
At ngayon,
Sa aking tatlong linggo sa Ateneo, natutunan ko na hindi lahat ng nag i-Inggles ay dapat tawaging conyo.
"NASA PILIPINAS KA 'DI BA? BA'T DI KA MAG TAGALOG? - Y U No", http://memegenerator.net/instance/22450997, (Accessed June 24, 2012)
"NAIINTINDIHAN KO NA ANG MARAMI SA KANILA - All the things", http://memegenerator.net/instance/22451251 (Accessed June 24, 2012)
Basahin ang http://nobelangatisan.blogspot.com/2012/06/checklist-bago-ipasa-ang-blog-entry.html lalo na ang bilang 5, 8 at 9 sa ikatlong tanong. Marami ring typo sa entry mo bunga ng kawalang-ingat.
ReplyDeleteBukod sa mga ito, pagmunian pa ang mismong kabatirang ibinabahagi rito, lalo pa kaugnay ng mga talakayan natin sa ideolohiya.
Salamat po sa inyong puna Ginoo. Pagbubutihan ko po ang aking susunod na entry. :)
ReplyDelete