Hindi man gaano kataasan ang mga nakuha kong advisory grades at hindi man ito malaking parte ng QPI, ganito pa rin ang naging reaksyon ko nang nakita ko ang mga ito.
May dalawa kaming dapat basahing nobela para sa Fil 11. Ang isa rito ay ang "Himagsik ng Mga Puno" ni Khavn De La Cruz. Ito iyon:
Mala-"Last March of the Ents" kaya ito ng Lord of the Rings: The Two Towers?
O di kaya'y mala-"Battle of Beruna" ng The Chronicles of Narnia: Prince Caspian?
Pero hindi na siguro maaaring ganito na lang lagi ang mga puno. Iba na siguro ang papel ng mga puno ("No pun intended", 'ika nga.) sa nobelang ito. Dahil kung hindi, eh hindi magiging maganda ang aklat na ito dahil sa sining, hindi na nagiging maganda ang isang bagay na nagamit na. Mayroon mang nakapag-uulit ng istilo at maganda pa rin ang kinalalabasan, iba pa rin siyempre ang ganda ng mga orihinal na likha. (O ha! May natutuhan ata ako!)
Sa totoo lang, ganito kasi iyong nangyari sa "Himagsik ng Mga Puno."
Gusto mo bang malaman kung paano naghimagsik ang mga puno?
Huminahon. Sasabihin ko na. Di makaantay?
Ganito kasi iyon.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa totoo lang, hindi ko pa siya nababasa kahit may katagalan na itong naibigay sa amin.
Ganito marahil ang reaksiyon ng aking guro kapag nalaman niya ito.
Ngunit dahil nagising ako sa katinuan dahil sa advisory grades, naisipan kong gumawa ng blog entry.
Dahil din pala sa pag-uusig ni Mayor Lim. Opo, Mayor. Magsisipag na po. |
Dahil maraming puno sa Ateneo at dahil hindi ko pa nga nababasa ang aklat sa itaas, ay naisipan kong magsulat na lang muna ng tula tungkol sa mga puno.
At ito iyon:
At ito iyon:
'Puno'
Madilim na madilim.
Ang nakikita'y itim.
Malamig at madilim.
Sinong tutulong sa'kin?
Liwanag. Maliwanag
at mainit. Masarap
itong hangin. O, Ulap
kay puti't parang bulak.
Bulak, bunga ng puno
sa'king paligid. Troso
sa hangi'y di guguho.
Yaong malaking puno,
ay tunay na luntian.
Sa aking tabi, lauan
malaki ang katawan.
Ibon ay nagsigawan.
Baboy ramo'y tumakbo,
sa may mangga'y pumreno.
Bunga'y nakatutukso,
kaya't lumamon nito.
Mukhang nasasarapan,
nabusog at lumisan.
Araw ay natapatan
ng mumunting pag-ulan.
Anong sarap sa ugat,
dahon, katawan, lahat!
Sa uhaw ay tatapat,
ang dala ng habagat.
Dumating yaong araw,
dala'y mga halimaw,
maliit ang katawan.,
sanga ay walang laman.
Kaya't ako'y nagtanong,
sa'ming Baleteng Ingkong.
"Tao" raw ang mga 'tong,
sa gubat ay tumungtong.
Nang palubog ang araw,
mga tao'y lumisan.
Bunga ay nagustuhan,
kaya't nagsikuhanan.
Mga araw, lumipas.
Ibon ay pumagaspas.
Ilog ay lumagaslas.
At ako'y nakatuklas
sa lungga nitong tao.
Mayaman sa adorno.
Sila'y nagtatrabaho,
sa kai'y salo-salo.
Isang araw sa gubat,
bumalik at namitas,
ng bungang masasarap,
mga taong mapayat.
Ito ay naulit pa.
Nang ito'y magtagal na,
mga tao'y tumaba!
Ako nama'y natuwa!
Ang amin pa lang bunga,
sa kanila'y sustansiya.
Dito ako sumaya,
sa kanilang pagtaba!
Ngunit, naging bihira,
na kung dumalaw sila.
Sila'y ibang-iba na,
sa'king unang nakita.
Dumating yaong araw,
ang lupa ay gumalaw.
Ito'y kakaiba sa,
lindol ng sinauna.
Ang pagyanig, mabilis.
Mahina't mabibilis.
Sa malayo'y sumilip,
ito ba'y panaginip?
Dumating ang usok na,
sa natural ay iba.
Tila ito'y lason sa,
mga makahihinga.
May mga papalapit.
Tao, aking naisip.
Ngunit, di ito nais.
Guguho ang daigdig,
ito'y aking palagay.
May kasamang halimaw,
dambuhala at dilaw!
Tao ang kasunod. Ay!
Dito sa'king direksyon,
ito ang destinasyon,
ng mga taong iyon.
Liksyon ng aming Ingkong,
na maging mabuti sa,
sinumang bibisita.
Ngunit, paano na ba?
Halimaw ang papunta!
May dumating na tao.
Niyakap nito ako.
Saka ito naupo,
hinintay ang kasalo.
Dumating ang halimaw.
Umatras ang tao, nang,
biglang umalingawngaw,
nakakabibinging ingay.
Vroom. Vroom.
Nakabibinging tunog.
VROOOOOM.
Ako'y bigla'y naupos.
WEEEEENG.
Dito na magtatapos,
VWEEEEEEEEEEENG.
ang nagbigay ng lubos.
---
At dahil ayokong magaya sa isang senador. . .
Walang larawan o video sa blog entry na ito ang akin. Ang mga ito ay may kani-kaniyang may-ari na matatagpuan sa mga sumusunod:
http://memegenerator.net/Happy-Forever-Alone
http://mrsfrankensteinreads.wordpress.com/2012/08/28/himagsik-ng-mga-puno-by-khavn-de-la-cruz/
http://memegenerator.net/instance/25879911
http://www.youtube.com/watch?v=UTFP9QQzEL4&feature=related
http://www.youtube.com/watch?v=OIgBRQFVDwU
http://memegenerator.net/Picardfacepalm
http://memegenerator.net/instance/25880742
Nagustuhan ko ang nilalaman bagaman may ilang suliranin pa sa mga baybay ng ilang salita. Binibigyan kita ng isang markang pagtaas para rito. Pagbati!
ReplyDeleteMaraming salamat po Sir! :)
ReplyDelete